Wala.
Ano pa nga ba? Bait-baitan? Most probably oo, di ko din alam. Sa sitwasyon na ‘to di ko naman talaga alam kung ano dapat iasal eh. Kapag ako ang naunang magsalita, di tama, bakit? Ano ba ako? Wala pa. Gf palang. Kahit na ganito, GF palang ako. Parehas lang tayo, pero talagang ganyan ka, wala kasing nagtuturo sayo ng tama. Walang breeding? Ewan ko sayo, ako meron, kaya ganito. Kaya ka ganyan kasi alam mo malapit na kayong ikasal and actually nagaayos na kayo, at wala na akong magagawa. Kung ako lang ang kapatid, matagal ka nang burado, pasalamat ka wala talaga akong karapatan. Pasalamat ka may respeto ako sa magulang nila. Ingatan mo yang mga natitira mong kaibigay day, dahil sila nalang ang di nakakkita ng ugali mong tunay, at pag nagkataon, laking tuwa ko. magpapalakpakan ang tenga ko.
Oo, plastik ako. Ano gusto mo tarayan at barahin kita? Ulitin ko, ano karapatan ko? At least ako alam ko kung ano pa ang lugar ko, ikaw? Feel na feel mo na ang pagiging part of the family.
I-asa ko nalang sa kanya, na sana masabi niya, na sana mavoice out niya. Na sana talagang maharap mo kuya mo. Na malaman mo na you have a say on this. Hindi sa dinidiktahan mo siya, ang point is, you or we can’t stay this forever. Sino pa magsasabi sa kanila sa ugali at kung sino siya talaga, eh 2 lang kayong magkapatid. Magsabi man lahat ng inis sa kanya, sino bang mas papanigan nya? syempre si donya. Sino bang maapektuhan at masisira ang samahan, kayo.
Nakakatakot lang din, dahil pag sila na talaga, at tumagal doon lang makikita ang ugali niya ng magulang mo at ng kapatid mo, ano pang magagawa niyo? Wala. Gulo. Sa paggamit niya kaninong yaman at pangalan ba ang magagamit at masisira? Sa inyo.
Nakakainis lang din, kasi bakit kelangan magsalita ka ng ganyan. HIndi mo ba alam sarili mong ugali at kaya mong magsalita ng ganyan, na patama din sayo? Kung wala talaga akong breeding, matagal na akong nagsalita, nabastos na kita.
Minsan di ko talaga alam kung matapang o duwag ako. Kasi kahit gusto ko nang magsalita or gumawa ng isang bagay di ko magawa, iniisip ko yung consequences ng gagawin ko.
Kung di lang kita mahal, di lang napamahal magulang mo sa akin, kung hindi lang mabait pamiliya mo, kung di lang tayo ganito katagal, kung di lang ako masaya sayo, kung di lang sa pagsasama natin, kung di lang sa mga bagay na mahirap iwanan, sumuko na ako, kasi sa totoo lang parang sa teleserye buhay ko eh. Di ko naman kakayanin na makisama sa isang tao buong buhay ko lalo na sa katulad niya. Syempre kahit papaano, ayoko mag mukhang tanga, dahil mukha akong nagbabait-baitan. Pang teleserye ang role ko dito sa storya na to, palamuting kawawa.
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010